Russia: Military factory sa labas ng Kyiv, nasira narin

Inihayag ng Russia’s defense ministry na nasira na umano nila ang military plant sa labas ng Kyiv, sa gitna ng pinaigting na pag-atake ng Moscow sa Ukrainian capital.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Ayon sa ministry, ang high-precision, air-launched missiles ang sumira sa ammunitions factory malapit sa settlement ng Brovary, Kyiv region.

Sinabi naman ng alkalde ng Brovary Igor Sapozhko, na may ilang infrastructure objects na tinamaan.

Read More:  At least 27 killed after Fire engulfs beer hall in Thailand

Mababatid na sa mga nakalipas na araw, naglunsad ang Russia ng ilang pag-atake sa military plants, sa loob at labas ng Kyiv. //MHEL PACIA-TRINIDAD