Binigyang diin ng Ukraine’s prime minister na hindi pa bumabagsak ang strategic port city ng Mariupol, kasabay ng pag-gigiit na ang mga nakapalibot na pwersa na dumedepensa sa lungsod mula sa pang-aatake ng Russia, ay lalaban hanggang sa dulo.
Ang pahayag ni Prime Minister Denys Shmyhal ay matapos na magbigay ang Russia ng ultimatum para sa pagsuko ng pwersa ng Ukraine, matapos na ang pananatili sa fortress-like steelworks, ay nagpaso na.
Una nito, nanindigan si President Volodymyr Zelensky na hindi susundin ng kanilang bansa ang naturang ultimatum, dahil gusto lang umanong sirain ng Moscow ang kanilang bansa.

Mababatid na sinabi ng Russia’s defense ministry na na-clear na nila ang buong “urban area” ng Mariupol mula sa Ukrainian forces, at ang natitirang mga sundalo ay ang nasa Azovstal metalworks nalang.
At para mailigtas umano ang kanilang buhay, at tanging paraan ay ibaba ang kanilang mga armas at sumuko nalang. //MHEL PACIA-TRINIDAD