Isang barangay sa Baybay City, mistulang nabura sa mapa matapos matabunan ng lupa

Aminado si Baybay City Mayor Carlos Cari na pahirapan ang search ang rescue operation sa kanilang lugar dahil sa patuloy na buhos ng ulan sa lugar dulot ng bagyong Agaton.

Ayon kay Cari bagama’t nakahanda na ang mga gagamitin sa operasyon hindi sila makagalaw dahil delikado pa rin ang pagpunta sa mga barangay kung saan nagkaroon ng landslide dahil nararanasan pa rin ang masamang panahon.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Nakatutok naman ang search and rescue operation sa Barangay Kantagnos kung saan maraming residente pa ang nailigtas.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Inihayag ni Cari na ang Kantagnos ang pinaka-apektado ng landslide matapos na matabunan ng halos buong barangay.

Batay sa tala ng Baybay City CDRRMO na sa 22 indibidwal na ang nasawi dahil sa mga pagbaha at landslide sa lugar.