Amy Austria, nagbahagi ng kanyang naging drug addiction; Drug-free na sa loob ng 30-taon

Nagbahagi ang aktres na si Amy Austria hinggil sa kanyang naging laban sa pag-gamit ng ilegal na droga, ilang dekada na ang nakakaraan, at kung papaanu niya ito nalampasan sa pamamagitan ng kanyang pananalig.

Pagsasariwa ni Austria, ang kanyang drug addiction ay nagsimula sa pamamagitan ng pag-gamit ng “shake,” isang gamot na para sana mapanatili ang slim figure.

Kasunod nito, sinubukan niya ang marijuana matapos makaranas ng unwanted side effects, at kalauna’y tumikim na ng “shabu” noong 1986 na pinaka-deceiving umano sa lahat.

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi nito na matapos ang ilang buwan ay nagdesisyon na siyang tumigil, pero ang withdrawal side effects ang nagpahirap umano sa kanya, hanggang sa sumali na siya noong 1990 sa isang retreat para matulungan sana ang sarili, pero hindi rin naging epektibo.

Taong 1992 nang lalong lumala ang kanyang pagkalulong sa bawal na gamot, ay muling niyang sinubukang sumali sa isa na namang retreat, at doon na nagsimula ang kanyang pagbabagong buhay.