Nakuha ng Meralco ang unang panalo laban sa defending champion na Barangay Ginebra sa kanilang highly physical Game 1 ng best-of-7 title series sa PBA Governors’ Cup, sa score na 104-91, kagabi.
Kaugnay nito, tumalab ang opensiba ng Meralco, na nagdagdag sa problema ng fancied Ginebra team.
Sa gitna nito, pinangunahan ni Allein Maliksi ang Bolts kung saan nakonekta ang lima sa kanyang 7 attempts mula sa 3-point area para matapos ang 22 points.

Nagdagdag naman si import Tony Bishop ng 20 markers sa kanyang 12 rebounds, dahilan para matulungan ang Bolts na umabanse ng 21 puntos.
Samantala, ang dalawang squads ay muling maghaharap sa Game 2 sa Biyernes sa Mall of Asia Arena.