Duterte, ipinag-utos ang house-to-house COVID-19 vaxx

Ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang house-to-house anti-COVID-19 vaccination program partikular na sa countryside sa harap ng inaasahang expiration ng milyon-milyong vaccine doses sa mga susunod na buwan.

Ang pahayag ni Duterte, ay matapos sabihin ni presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na may 27 million doses ng COVID-19 vaccines ang mag-eexpire sa Hulyo.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Giit ng pangulo, may mga bakuna sa bansa at handa na itong gamitin, pero wala umano silang magagawa kung ayaw magpabakuna ang marami pang mga Pilipino.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Kaya para sa punong ehekutibo, kailangan ng gobyerno na magpatupad ng last minute program, kung saan dadalhin ang mga bakuna sa mga bahay-bahay sa bukid.

Sa gitna nito, hiniling ni Duterte sa mga New People’s Army (NPA) na huwag saktan ang mga healthcare workers na magsasagawa ng house-to-house inoculation sa mga far-flung areas.