Kit nag-sorry na kay Ana pero di pinatawad

Kinumpirma ni Ana Jalandoni na humingi na ng tawad sa kanya ang aktor na si Kit Thompson sa ginawa niyang pambubugbog sa aktres noong gabi ng March 17 sa isang hotel sa Tagaytay City.

Read More:  Jane de Leon, Louise delos Reyes turn heads with stunning new looks

Ayon kay Ana, nakatanggap siya ng mensahe mula kay Kit sa pamamagitan ng Instagram.

Dagdag nito, hindi niya nireplyan si Tom, dahil hindi pa niya kayang patawarin ngayon ang dating boyfriend, kasabay ng muling inamin na mahal pa rin naman niya ito.

Read More:  Ate Gay, holds ‘living funeral’ with family and friends

Sa gitna nito, inihayag ng aktres na nawalan umano siya confidence sa sarili matapos ang naturang pangyayari. //MHEL PACIA-TRINIDAD