Presyo ng LPG, magsisimulang magtaas ngayong araw

Magtataas ang presyo ng liquefied petroleum gas o LGP simula ngayong araw base sa international contract price para sa buwan ng Abril.

Ayon sa inilabas na abiso ng mga oil companies, P3.25 ang itataas ng LPG kada kilo na katumbas ng P35.75 kada 11-kilo ng standard na tangke.

Read More:  Remulla confirms Atong Ang has left Philippines

Papalo naman sa P1.81 ang taas ng Auto LPG kada litro.

Read More:  OSG seeks clarification on Supreme Court budget ruling

Samantala, nanawagan naman ang ilang grupo ng mga drivers at operators ng next round ng fuel subsidy dahil hindi umano sapat ang naunang tulong na ibinigay ng gobyerno matapos ang sunod-sunod na oil price hike sa bansa. (ARGIE ERGINA)