BTr, inanunsyo na umabot na sa P12.1 trillion ang utang ng Pilipinas ngayong taon

Inanunsyo ng Bureau of Treasury (BTr) na umabot na sa P12.1 trillion ang domestic at foreign debts ng Pilipinas nitong Pebrero ngayong taon.

Tumaas ito ng 16% mula sa P10.405 trillion noong 2021.

Ayon sa kawanihan, 69.9% ang ating domestic debt at 30.4% naman ang ating foreign debt. Umabot sa 14% o P8.413 trillion ang utang mula sa mga local banks habang tumaas naman sa 21% o P3.680 trillion ang ating foreign debt.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Plano ng gobyerno na humiram ng P200 billion mula sa domestic market ngayong buwan at magbenta ng P60 billion short dated treasury bill at P140 billion na treasury bond.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Samantala, sinasabing ang pagbaba ng piso ay nagdudulot naman ng pagtaas ng natitirang utang ng pamahalaan. (ARGIE ERGINA)