KORONADAL CITY- PINARANGALAN ng Philippine National Police o PNP Region 12 bilang Top 2 Police Regional Office sa buong bansa sa Accounting of Wanted Persons sa Calendar Year 2021.
Ang awarding ceremony ay isinagawa kamakailan lamang sa National Headquarters ng PNP sa Camp Crame.
Ito ay bahagi ng taunang pagtitipon ng mga Regional Investigation and Detective Management Division, investigation offices, PNP Crime Laboratory, at Criminal Investigation Group na may layuning mapaigting ang investigative delivery at performance ng mga kapulisan.
Sa kabilang dako, walong pulis naman ang ginawaran Medalya ng Kagalingan ng PRO 12 sa General Santos City dahil sa kanilang accomplishment sa isinagawang drug buy bust operation sa Pigcawayan, Cotabato noong nakaraang buwan.
Ang naturang operasyon ay nagresulta sa pagka-aresto ni Demy Mange Salvo at pagkakumpiska ng 50 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P 360,000.
