Smuggled agricultural products, isinisi sa mabagal na modernisasyon ng BOC

Isinisi sa mabagal na modernisasyon ng sistema ng Bureau of Customs (BOC) ang mga smuggled agricultural products katulad ng carrots at iba pang gulay.

Ayon kay BOC Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla, hindi lang naman customs-issue ang smuggling.

Wala umanong first boarder inspection area ang Pilipinas kung saan walang pasilidad at espasyo para mag-conduct ng examination kasama ang Department of Agriculture.

Read More:  Lacson rejects alleged ₱5 million TESDA fund offer from Secretary Benitez

Iginiit nito na kanilang hinuhuli ang mga smuggled products sa mga palengke at warehouse na itinuturo sa kanila.

Aniya, dapat malakas ang inter-agency cooperation at working arrangements upang matigil ang nasabing problema.

Read More:  Claire Castro stays in PCO post as Cayetano calls her a “treasure”

Ipinaliwanag ni Maronilla ang tungkol sa technical smuggling kung saan hinahaluan ang mga produktong may permit ng ibang uri ng items.

Samantala, parte naman sa red flag parameters ng ahensya ang country of origin kabilang ang mga containers na nagmula sa China. (ARGIE ERGINA)