DOE inabisuhan ang publiko ng posibleng patuloy na ‘oil price hike’

Inabisuhan ni Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau Director Atty. Rino Abad ang publiko dahil sa posibleng tuloy-tuloy na pagtaas sa presyo ng langis.

Aniya, ito’y dahilan sa epekto ng pagtaas ng import cost sa bansa.

Hindi pa naman masabi kung tataas din ang presyo ng LPG dahil depende umano ito sa magiging lagay ng presyo ng krudo.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Umabot na sa 19 dollars per barrel ang itinaas ng diesel mula noong nakaraang linggo at nitong linggo.

Sa ngayon ay nasa 144.10 dollars ang presyo ng diesel base sa pandaigdigang merkado.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Samantala, ayon sa International Energy Agency (IEA) dapat asahan simula ngayon hanggang Abril na hindi muna bibili ng Russian oil mula sa kanilang target na 3 milyon barrels dahil sa patuloy na tensyon ng Russia at Ukraine.

Hindi naman ito naaprobahan dahil sa hati ang pananaw ng European Union (EU). (ARGIE ERGINA)