Mahigit dalawang libong bata sa Camarines Norte edad 5- 11 taong gulang nakatanggap na ng COVID- 19

CAMARINES NORTE- Umaabot na sa 2, 350 mga bata sa lalawigan ng Camarines Norte  na edad 5- 11 taong gulang ang nakatanggap na ng bakuna kontra COVID- 19 dalawang linggo matapos na simulan sa lalawigan ang pagbabakuna sa naturang age group.

Batay ito sa datos ng Provincial Covid- 19 Vaccination Operation Center as of March 25, alas 6 ng umaga.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Ito ay dalawang porsiento pa lang ng  97, 638 na target bakunahan.

May pinakamataas na porsiento ng nabakunahan sa Capalonga na mayroon nang 459 mula sa target na 5, 393 o 9 percent.

Sinusundan naman ito ng  Basud na mayroon nang 408 o 6 percent ng target na 6, 864.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Apat na bayan naman ang mayroon pa lang tig- iisang porsiento.

Hinihimok ng Department of Health ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang anak para magkaroon ng proteksyon laban sa COVID- 19.