‘Whole of nation approach’ kailangan para sa economic recovery mula sa pandemic – Go

Pinuri ni Sen. Christopher Bong Go ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang Executive order na nag-a-adopt sa 10-point policy agenda upang magakabangon ang ekonomiya mula sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Go kailangan ng ‘whole of nation approach’ upang matiyak na walang maiiwan sa pagsulong ng bansa mula sa pandemya.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Dagdag pa ng Senador naniniwala siya na kung mas maraming sektor ng ekonomiya ang mabubuksan ay mas maraming mga kababayan din natin ang makakabalik sa kanilang mga trabaho.

Ibig sabihin, mas maraming pamilya ang makakabangon mula sa hirap na dulot ng pandemya ayon kay Go.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Binigyan-diin naman ni Go na sa pagsimula pa lamang ng pandemya ay maingat na binabalanse ng gobyerno ang kalusugan at kabuhayan ng mga mamamayan.

Kahit may krisis, sinisikap umano nitong maging malakas at maunlad ang ekonomiya upang magkaroon muli ng trabaho ang mga nawalan at maiwasan ang gutom at hirap.