Public consultation sa minimum wage adjustment sa region 12, isasagawa

KORONADAL CITY- MAGSASAGAWA ng serye ng consultation dialogue ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB Region 12 kaugnay sa Minimum Wage Determination at Productivity Toolbox orientation.

Layon nito na malaman at mapakinggan ang hinaing ng mga manggagawa, management at iba pang concerned sectors kung kailangan na ba at kung may basehan ang pagpapalabas ng bagong wage order para sa umento sa sahod ng mga minimum wage earners sa Soccsksargen.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Ang mga sumusunod ay ang schedule ng public consultation: March 28 sa Tacurong City; March 29 sa Kidapawan City; March 30 sa Koronadal City; at sa Marso 31 sa General Santos City.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ito ay magsisimula ala-1:00 hanggang alas-5:00 ng hapon.

Kaugnay nito, hinihikayat ng RTWPB-12 ang lahat ng mga interesado na dumalo sa public hearing.
Sa kasalukuyan, ang minimum wage sa Soccsksargen batay sa Wage Order No. RBXII-21 ay P 336.00 sa non-agriculture sector, at P 315 naman sa Agriculture/Retail/Service sector .