Survivor kinumpirmang tinamaan ng bomba ang teatro na pinagtaguan sa Mariupol Ukraine

Kinumpirma ng isang babaeng survivor na tinamaan ng bomba ang isang teatro na kanyang pinagtaguan at ng daan daang sibilyan sa Mariupol Ukraine.

Ayon kay Maria Rodionova, karamihan sa kanila na nagtago sa gusali ay mga babae at mga bata.

Read More:  Trump administration revokes over 300,000 US visas amid immigration crackdown

Sa salaysay ng survivor, tinamaan ng bomba ang gusali kung saan mistulang nahati ito sa dalawa.

Read More:  153 killed in drone strike on market in Abyei, Africa

Hindi naman malinaw kung ilan ang nasawi sa pambobomba pero base sa pahayag ni Rodionova, napakalakas ng pagsabog na tila bumasag sa kanyang pandinig.

Matatandaan na isa ang Mariupol sa mga lugar sa Ukraine na sinalakay ng puwersa ng Russia.