Healthcare utilization rate sa Camarines Norte nanatiling mababa dahil wala na halos naitatalang kaso ng COVID- 19

CAMARINES NORTE- Nananatiling mababa ang healthcare utilization rate ng Camarines Norte dahil wala na halos naitatalang kaso ng COVID- 19.

Batay sa healthcare utilization rate report ng Department of Health as of March 20, 2022 sa 117 na kama na naitalaga para sa Covid 14 dito ang nagamit o katumbas ng 12 percent utilization.

Bahagya itong tumaas  kumpara sa 6 at 2 percent noong nagdaang dalawang linggo.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Wala namang naitalang paggamit sa ICU at mechanical ventilators.

Sa pangkalahatan din ay mababa na ang healthcare utilization rate at bilang ng mga kaso ng COVID- 19 sa rehiyon.

Ayon sa DOH ang mataas na bilang ng fully vaccinated at bakunadong senior citizens na lang ang kulang para marating na ang tinatawag na Better Normal.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Kaugnay nito ay hinimok ng DOH ang mga hindi pa nagpapabakuna na pumunta na sa pinakamalapit na vaccination center upang mabigyan ng schedule ng pagbabakuna.

Kasabay din nito ay ang patuloy na apela ng departamento na sundin ang health protocols kontra COVID- 19.