Dalawang babae huli, matapos magnakaw ng damit sa loob ng mall sa Polangui, Albay

LEGAZPI CITY – Arestado ang dalawang babae matapos magnakaw ng damit sa loob mismo ng Department Store ng LCC Mall Basud Branch ng Brgy. Basud bayan ng Polangui, Albay.

Kinilala ang mga suspek na sina MARY ANN LIANGA GOMEZ, 46 anyos at si DELIA LAWAN BUCAN, 52 anyos parehong residente ng 110 Blk 3, Letre Tonsuya, Malabon, Metro Manila.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang mga suspek ay namonitor ng CCTV operator nang kunin ang mamahalin Men’s t-shirt na nagkakahalaga ng Php 449.00.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas ng department store nang walang balak na bayaran ang nasabing mga gamit sa counter.

Dahil dito agad na tinawag ng CCTV operator ang atensyon ng duty security guard at ibinigay ang paglalarawan sa nasabing dalawang suspek.

Pagkatapos nito, agad na nilapitan ng mga duty security guard ang nasabing mga suspek sa labas ng LCC Mall at dinala ang nasabing mga suspek sa Safety Security Division (SSD) Office para sa beripikasyon.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Sa pag-iimbestiga ng nasabing opisina, nasa poder ng mga suspek ang nasabing item, at hindi na nila naipakita ang opisyal na resibo para sa nasabing item.

Agad na dinala ang mga suspek sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.