Nagtala ang Pilipinas ng 290 na mga bagong kaso ng COVID-19, na pinakamababang bilang para ngayong taon.
Dahil dito, sumampa na ang nationwide total cases sa 3,674,983, kung saan 44,764 pa ang active cases.
Ayon sa Department of Health, ito rin umano ang pinakamababang bilang ng mga active cases simula noong January 5.

Samantala, ang mga rehiyon na may malaking bilang ng infections sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region (NCR) sa 1,948, sinundan ng Region 4-A na may 899 at Region 6 sa 671.
Tumaas naman ang recoveries sa 3,571,938, habang umakyat ang death toll sa 58,281. //MHEL PACIA-TRINIDAD