Sasakyan na hinihinalaang kinarnap sa bayan ng Narra, pinaghahanap ng pulisya

Iniimbestigahang ng Narra PNP ang insidente tungkol sa pagkawala ng isang Pajero nitong gabi ng March 18, 2022 sa Brgy. Poblacion, Narra Palawan.

Ayon kay Gina Tomas may-ari ng sasakyan nakaparada lamang umano sa gilid ng covered court ang Pajero sa kasagsagan ng pagdiriwang ng kapistahan sa munisipyo.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Ang sasakyan na patuloy na pinaghahanap ay may plaka na XTC 785.

Dagdag pa ni Ms. Tomas na naiwan umano sa loob ng sasakyan ang bag na naglalaman ng pera at mga Identification card at mga mahahalagang dokumento.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Samantala, nanawagan ang biktima sa publiko na agad ipagbigay alam sa awtoridad kung may nalalaman o impormasyon sa kinaroroonan ng behikulo at upang matukoy ang nasa likod ng pagkawala nito.