P15-M na halaga ng iligal na droga, natagpuan ng mga mangingisda sa baybaying dagat sa Cagayan

Aabot sa 15 million pesos na halaga ng iligal na droga ang narekober ng mga otoridad matapos matagpuang palutang-lutang ng mga mangingisda sa baybaying dagat ng Abulug at Ballesteros, Cagayan noong hapon ng Mach 21, 2022.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency Region 2, una rito ay nakatanggap sila ng report mula kay Punong Barangay Erwin Lobas ng Brgy. Sanja, Aparri, Cagayan kaugnay sa pagkakareber ng mga pinaniniwalaang iligal na droga.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Natagpuan ng dalawang mangingisda ang mga kontra bando na nakabalot sa plastic na nalagyan ng packing tape at black rubber na palutang-lutang sa dagat habang sila ay nangingisda.

Agad namang nagtungo sa lugar ang mga kasapi ng Regional Maritime Unit 2, Aparri Municipal Station, PDEA Region 2, Regional Drug Enforcement Unit 2, MBLT 10, Eastern Cagayan MARPSTA at Western Cagayan MARPSTA.

Titayang mahigit kumulang 3 kilo ang bigat ng tatlong bricks ng narekober na iligal na droga partikular ang cocaine.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy kung saan galing ang mga kontra bando at pagsasagawa ng recovery operations upang malaman kung may natitira pang iligal na droga sa lugar.

Samantala, kinumpirma rin ng PDEA Region 2 ngayong araw na karagdagang dalawang pang bricks ng hinihinalang illegal drugs ang narekober sa Aparri, Cagayan.