Tatlo, tiklo sa ‘Talpak’

SORSOGON CITY – Arestado ang tatlong indibidwal dahil sa larong e-sabong sa lungsod ng Masbate.

Kinilala ang mga ito na sina Jude Dela Rosa, 26-anyos at naninirahan sa Purok 6, Brgy Nursery; Jomar Rondina Butal, 39-anyos, residente ng Purok 6, Brgy Ibingay at Jonel Amatos Cabiles, 34-anyos ng Purok 7, Brgy Ibingay lahat mga binata.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Batay sa ulat, nasakote ang mga ito matapos ang ikinasang anti-illegal gambling operations ng mga awtoridad sa Medina St. Brgy Kalipay ng nasabing lungsod.

Naaktuhan umano ang mga ito na nanunuod at tumataya sa online sabong o mas kilala sa tawag na ‘Talpakan.’

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Nakumpiska dito ang isang yunit ng REDMI android phone at perang taya.

Nabatid na walang kaukulang lisensya ang nasabing lugar na pinagdausan ng online sabong.