KORONADAL CITY — TINATAYANG nasa P611, 150 na ang inisyal na pinsala ng Avian Influenza o Bird Flu sa lungsod ng Tacurong.
Ito ang inihayag ni Dr. Allan Alimajen, City Veterinarian ng lungsod sa isinagawang pagpupulong kasama ang mga opisyal ng city government.
Ayon kay Alimajen, nasa 2,000 na mga pato, bibe, manok, pabo at iba pang mga poutry animals ang isina-ilalim sa culling ng mga otoridad dahil sa kaso ng bird flu.
Sa ngayon nakatutok na ang Avian Influenza Task Force o AITF sa mga lugar na infected ng bird flu masugpo ito at hindi na kumalat pa sa ibang lugar.
