Vaccine allocation kontra covid-19 para sa mga bata sa Olongapo inaasahang madadagdagan sa susunod na linggo

Inaasahang madadagdagan ang alokasyon ng bakuna kontra corona virus disease para sa mga batang edad lima hanggang labing isang taong gulang sa Olongapo City.

Ayon kay City Health Officer Dr. Doods Bustamante, sa susunod na linggo ay posibleng madagdagan pa ang alokasyon.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Marami na umano kasi ang nagparehistro na online kung saan umaabot na ito ng mahigit 7,400.

Higit tatlong libo sa mga ito ay naturukan na ng first dose habang nasa isanlibo na ang fully vaccinates.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Sa ngayon ay tinatanggap na ng Local Vaccination Operations Center ang walk-ins para sa nasabing age group basta’t nakarehistro online.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Olongapo City Information Center

May be an image of text