Mga naapektuhan ng bird flu sa Tacurong, inayudahan!

KORONADAL CITY — NAGBIGAY na ng inisyal na tulong ang City Government ng Tacurong sa mga nag-aalaga ng mga itik at manok na sakop ng 1-kilometer radius na monitoring ng City Veterinary Office ukol sa unang kaso ng bird flu o avian influenza sa lungsod.

Read More:  PDEA seizes marijuana parcels, arrests one in Aklan

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay City Information Officer Allan Freno, kinumperma nito na mahigit sa 2,000 mga manok at itik ang isinailalim sa culling dahil sa kaso ng bird flu.

Dahil dito, bawal na rin ang paglabas-masok ng naturang mga ibon sa lungsod upang mapigilan ang hawaan ng nasabing sakit.

Read More:  P398M Himamaylan loan-funded projects delayed by up to 1,286 days – COA

Sa ngayon, hindi pa umano nila matukoy kung saan nagmula ang bird flu virus sa Tacurong na pinaka-unang kaso sa buong Mindanao.