Helper na may kasong rape, arestado sa Tiwi, Albay

LEGAZPI CITY – Arestado ang isang helper sa Barlin St., Brgy. Tigbi, Tiwi, Albay dahil sa kasong rape.

Kinilala ang akusado na si alyas “Jojo”, 31 anyos at residente ng Purok 5, Brgy. Joroan, ng nasabing bayan.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Ayon sa report , hapon nang puntahan ng mga otoridad ang kanyang tinutuluyan upang isilbi sa kanya ang Warrant of Arrest na pirmado noong Marso 8 ng kasalukuyan taon dahil sa nasabing kaso at wala ring ibinigay ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Agad na dinala sa Tiwi MPS ang akusado para sa kaukulang disposisyon.