Lagpas 38 thousand kilos ng plastic, nakolekta ng Angeles city sa programang ‘Plastic palit bigas’

Naka kolekta na ang Angeles city government ng lagpas 38 thousand kilos ng plastic sa ilalim ng kanilang programang ‘Walang Plastikan, Plastic palit bigas’.

Ang mga taga bgy Anunas ang may pinaka maraming naipapalit na plastic na umaabot sa 6, 991 kilos, habang ang bgy Mining ay may pinaka konti na nasa 198 kilos lang.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Ang ‘Walang plastikan, plastic palit bigas’ ay programa ng syudad kung saan papalitan ng bigas ang mga plastic mula sa mga residente, at ibebenta naman ito ng syudad sa mga cement companies.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

As of March 11, nakapag kolekta na ang syudad ng kabuuang 38, 717 kilos ng plastic.