Instagram, hindi narin accessible sa Russia

Hindi na rin ma-access ang Instagram sa Russia, matapos akusahan ng Moscow ng kanilang parent company na Meta na pinapayagan ang tawag para sa karahasan laban sa Russians, kabilang na ng militar, sa kanilang platforms.

Read More:  42,000 residents evacuated as wildfire spreads rapidly in Reno, Nevada

Ang naturang hakbang ay matapos, ma-block rin ang Facebook at Twitter nito lang buwan, bilang bahagi ng sweeping efforts ng Moscow para makontrol ang impormasyon na available sa Russians hinggil sa kanilang military operation sa Ukraine.

Read More:  15 injured, over 300 houses damaged after tornado hits Southern France

Ang Facebook at Instagram ang pinakakilalang ginagamit sa Russia.

Para sa maraming small Russian businesses, ang Instagram ang kanilang key platform para sa advertising, pagproseso ng benta at pagtawag sa kanilang mga kliyente.