Humiling ang Russia sa China ng military at economic aid para sa kanilang giyera sa Ukraine.
Una nito, nagbabala ang White House na haharap sa severe consequences ang Beijing kung tutulungan nila ang Moscow.
Maliban dito, hiniling umano ng Moscow sa Beijing ang economic assistance laban sa malalang sanctions na ipinatupad laban sa kanila ng karamihan sa Western world.
Sa gitna nito, hindi naman ipinaliwanag ng source official kung anu ang eksaktong hinihiling ng Russia, o kung sumagot ba ang China.

Mababatid na tumanggi ang Beijing na direktang kondenahin ang Moscow sa paglulunsad ng invasion, sa halip ay paulit-ulit na sinisisi ang “eastward expansion” ng NATO, para sa mas lumalang tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.