Duterte, nagdadalawang isip na umattend sa ASEAN-US summit kung gagawin ito sa kaniyang kaarawan – envoy

Posibleng lumiban si Pangulong Rodrigo Duterte sa planong pagpupulong sa pagitan ni US President Joe Biden at ng mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Washington kung babagsak ang petsa ng summit sa kaniyang ika-77 kaarawan sa March 28.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Ayon kay Philippine Ambassador Jose Manuel Romualdez, tradisyon ng Pangulo na manatili sa loob ng bahay nito sa tuwing nagdadaos ito ng kaarawan.

Gayunman, inihayag ni Cambodia Foreign Minister Prak Sokhonn na ipagpapaliban ang summit na itinakda sa March 28 at 29 sa ibang petsa dahil sa pagtanggi ng ilang ASEAN leaders na dumalo sa proposed dates.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Mababatid na inimbitahan ni Biden ang ASEAN leaders sa proposed summit sa Washington maliban kay Min Aung Hlaing ng Myanmar.