Pilipinas, itutuloy ang $12.7 billion helicopter deal kasama ang Russia

Itutuloy ng Pilipinas ang pagbili nito ng 17 helicopters mula sa Russia sa gitna ng pag-atake ng Moscow sa Ukraine.

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, nagkaroon na ng kasunduan at inisyal na kabayaran para sa proyekto bago pa man nag-umpisa ang krisis sa Ukraine.

Read More:  Dela Rosa renews Supreme Court plea to block arrest and ICC transfer

Tinatayang nasa 12.7 billion dollars ang contract price para sa 17 helicopters, at inaasahan na matatapos sa loob ng dalawang taon ang delivery.

Read More:  DepEd to establish 13 new division offices to improve services in remote schools

Ipinunto naman ng kalihim na binabantayan ng gobyerno ang mga sirkumstansya na maaring makaapekto sa naturang proyekto.