High ranking official ng DepEd Bicol bumisita sa ilang eskwelahan sa Camarines Norte para sa monitoring ng implementasyon ng progressive face-to-face classes,

CAMARINES NORTE- Bumisita si Department of Education (DepEd) Regional Office V Assistant Regional Director Ronel Al  Firmo sa ilang eskwelahan sa bayan ng Daet, mahigit isang linggo mula nang mag umpisa sa Camarines Norte ang implementasyon ng limited face-to-face classes.

Ang pagbisita ni Firmo ay bahagi ng monitoring ng DepEd Regional Office sa mga eskwelahan sa Bicol na nagsimula na ng progressive face-to-face classes.

Ayon sa DepEd, maayos naman ang kalagayan ng mga mag-aaral at guro sa tulong ng mga magulang at barangay officials.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Iisa lamang daw ang saloobin ng mga ito na mas gusto nila ang face-to-face classes dahil mas may matutununan daw sila, makikita si teacher at makikita na muli ang mga kaklase at masaya sa classroom.

Ang mga guro naman ay mas natututukan ang pagpapabasa ng mga mag-aaral sa primary levels ngayong may face-to-face classes na.

Lahat ng guro na humahawak ng limited face-to-face classes ay mga bakunado na ganundin ang kanilang mga non-teaching staff na nagrereport na sa paaralan.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Ayon pa sa DepEd sa pagpapalawak ng implementasyon ng limited face-to-face classes nangagailangan pa rin ng suporta ang mga paaralan para sa dagdag na health kits.

Nasa 258 na pampublikong paaralan sa Camarines Norte ang kasama sa expanded phase ng limited face-to-face classes.

Mayroon na ring pribadong eskwelahan na naghahanda na sa face-to-face classes.

Kahapon ay nagsimula na ring mag dry-run sa Mabini Colleges bilang paghahanda sa face-to face classes sa basic education.