PCG, narekober ang bangkay ng nawawalang teenager mula sa ilog Pasig

Narekober ng mga otoridad ang bangkay ng nawawalang 14-anyos na lalaki mula sa ilog Pasig sa Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal nitong Martes.

Ito ay matapos makatanggap ng PCG Special Operations Group Malacañang ng ulat mula sa Coast Guard Sub-Station nagpayong tungkol sa insidente ng pagkalunod.

Read More:  NBI Chief Matibag says arrest of Sen. Bato Dela Rosa could be near

Agad naman naglunsad ng search and rescue operations ang PCG.

Pero ayon sa PCG, bangkay na nilang naabutan ang biktima sa ilog Pasig noong March 8, 2022.

Read More:  PPA prepares for expected surge in travelers during five-day ASEAN Summit holiday

Kinumpirma naman ng nanay ng biktima, na isang residente ng Maybunga, Pasig City, na anak niya ang natagpuang bangkay.

Na-turn over na ang bangkay sa Philippine National Police para sa karagdagang imbestigasyon, na kalaunan ay dinala rin sa kalapit na punerarya.