PRRD, itinalaga si PMS Usec. Anderson Lo bilang Deputy Ombudsman for Mindanao

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Management Staff (PMS) Undersecretary Anderson Lo bilang bagong Deputy Ombudsman for Mindanao.

Kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang appointment ni Lao sa pamamagitan ng isang text message.

Read More:  Sara Duterte’s lead over Robredo narrows to 7 points – OCTA

Mababatid na ang Deputy Ombudsman for Mindanao ay ang nangangasiwa sa mga kaso ng korapsyon laban sa mga lokal na opisyal sa rehiyon.

Si Lo ang asawa ni Judge Jill Rose Jaugan-Lo, na nanguna sa panunumpa ni Pangulong Duterte noong 2013 nang maging mayor ito ng Davao City.

Read More:  Apple to provide 170,000 MacBook Neo laptops to public schools nationwide

Nanumpa naman si Lo bilang PMS undersecretary noong August 2016.