Mga tricycle unit sa Olongapo, pinayagan nang makapabalik-pasada ng sabay-sabay

Pinayagan nang makapamasada ang lahat ng tricycle unit sa Olongapo pagkatapos ng halos dalawang taon simula nang pairalin ang mga mahihigpit na restriksyon dahil sa corona virus disease.

Ito ay para madagdagan ang kita lalo na ngayong nasa Alert Level 1 na ang lungsod na naging dahilan para mas marami na mga establisimiyentong magbubukas at empleyadong babalik na sa trabaho.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Ayon kay Mayor Lenj Paulino, bagamat puwede na ay ipinapasa pa rin ng City Government ang desisyon sa mga TODA officers kung papayagan nang mamasada ang lahat ng miyembro o lilimitahan pa din ang bilang.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Pinangangambahan kasing baka lalong walang gaanong kitain ang mga driver at operator dahil hindi pa naman pinayagan ang face-to-face classes sa lahat ng mga eskwelahan.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'ICE BREAKER TIME FROM GUARD C! ASCORBIC ACID (as Calcium Ascorbate) GUARD-C Fill in the blank. day!'