P26-M na halaga ng makinarya at rice mill, ipinasakamay ng da sa isang kooperatiba sa Santiago City

Nasa 26 million pesos ang halaga ng Rice mill at Agri-implements, and machineries package ang ipinasakamay ng Department of Agriculture Region 2 sa Santiago Amos Credit Development Cooperative (SACDECO).

Inihayag ni DA Region 2 Executive Director Narciso Edillo na sa pamamagitan ng isinagawang aktibidad ay kabilang sa kanilang nagawa ang pagkakaroon ng consolidation, modernization at ang nalalapit na industrialization and professionalization sa sektor ng agrikultura.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Hinikayat din ni RD Edillo ang mga ito na bumuo ng “clusters” para sa mas maraming produksyon alinsunod sa OneDA Reform Agenda ng kagawaran.

Papasok naman sa isang tripartite agreement ang DA, lokal na pamahalaan ng Santiago City at SACDECO para gawing pormal ang Bayanihan Agri Clustering.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Ayon kay Dr. Marvin Luis, Rice Program Chief ng DA RO2, sa Bayanihan Agri clustering ay magkakaroon ng ‘Big Brother” kabilang na rito ang SACDECO kung saan ito ay isang kooperatiba na may matatag na pundasyon habang ang “Small Brother” naman ang magbibigay ng maraming suplay ng produksyon ng palay.