Ranked 9 Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Daet natimbog ng kapulisan

CAMARINES NORTE- Isang lalaking may kasong panggagahasa at itinuturing na ika-siyam (9) sa Municipal Most Wanted Person ng Daet MPS sa buwan ng Marso 2022 ang arestado ng kapulisan ng Daet MPS bandang alas 12:20 ng hapon nitong Marso 1, 2022 sa Purok 6, Brgy. Alawihao, Daet, Camarines Norte.

Ang akusado ay nakilalang si alyas “Jun-Jun”, 26 taong gulang, binata, delivery rider at residente ng Purok 6, Brgy. Alawihao, Daet, Camarines Norte.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Si “Jun-Jun” ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong Rape by Sexual Assault sa ilalim ng kasong kriminal na may numerong 21519 na ipinalabas ni Hon. Judge Arniel A Dating ng Regional Trial Court, Branch 41, Daet, Camarines Norte na may petsang February 4, 2022.

Isang daan at dalawampung libong piso (Php120,000.00) naman ang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Ayon sa ulat, isang 19 anyos na pinsan ng suspek ang pinagsamantalahan nito na naganap madaling araw ng buwan ng Nobyembre taong 2021 sa mismong tahanan ng suspek sa Brgy. Alawihao, Daet, Camarines Norte.

Ang nasabing personahe ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Daet MPS para sa kaukulang disposisyon.