NAGA CITY- Maliban sa mapayapang halalan , panalangin ng Archdiocese ng Caceres sa Camarines Sur ang kapayapaan sa Ukraine at Russia at maging sa buong mundo.
Sa tala ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), may 380 OFWs sa Ukraine at kakaunti ang nais makauwi sa Pilipinas. May mga humihingi rin ng tulong sa Poland. Ang OWWA Bicol din ay patuloy nanakikipag-ugnayan sa mga OFWs.
Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Fr. Louie Occiano, head ng Caceres Commission on Communication kaugnay ng pagsisimula ng Kuwaresma o ngayong Ash Wednesday, ang abo ay nagpapaalala na ang buhay ay maikli , sa abo galing at sa abo babalik. Ito rin ang simbolo ng pag penitensya at pagsisi sa mga kasalanan. Ang araw na ito ay tinatawag ding Miercoles de Ceniza o “Pangurus” sa Bicol.
Samantala ibinalik na pag krus sa noo, una na itong inanunsyo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP. Matatandaan naiba ang pamamaraan noong kasagsagan ng pandemya kung saan ibinudbod na lamang sa ulo ang abo. Option pa rin ito ayon kay Fr. Occiano ngunit mas madali ang sa noo.