Nakasalalay pa umano sa gagawing pag-uusap ng mga transport group at ng Department of Transportation (DOTr) kung matutuloy ang ikinakasang malawakang tigil pasada sa bansa.
Ayon kay Lando Marquez, pangulo ng Liga nga Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) may nakatakdang pagpupulong sila bukas ng DOTr ukol sa kanilang kahilingan na dagdag pasahe.
Sa ngayon aniya ay wala pa silang pinal na desisyon kung itutuloy nila ang nationwide strike at hinihintay pa nila kung pagbibigyan ng pamahalaan ang kanilang naturang kahilingan.
Hindi pa naman tiyak ni Marquez kung kailan talaga isasagawa ang transport strike at sinabing maaaring surpresa kung kailan ito gaganapin.
Samantala, humihingi na agad ng pasensya ang LTOP sa mga pasahero sa kung sakaling matuloy ang malawakang tigil pasada.
