8 mula sa 181 Pinoy sa Ukraine nag-aatubiling umuwi sa Pilipinas – DOLE

Walo lamang sa 181 Pilipino sa Ukraine ang nananatiling nag-aatubili na bumalik sa Pilipinas sa kabila ng nagpapatuloy na pagsalakay ng Russia sa Kyiv at iba pang malalaking lungsod sa lugar.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III sa naturang bilang 106 ay mga overseas Filipino worker, 30 ay may asawa at 50 ay mga dependents.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Noong Peb. 27 sinabi ni Bello na 38 Pilipino ang inilipat mula Kyiv patungo sa Philippine Command Center sa Poland, 9 ang umalis papuntang Austria at 9 ang humihingi ng tulong sa grupo ni Pastor Apolo Quiboloy.

Tiniyak naman ng kalihim na handa ang Labor Offices sa Prague at Germany para mag-assist sa mga Pinoy na apektado ng giyera kabilang na ang pagbibigay ng serbisyong medical at financial assistance na aabot sa $200 bawat isa.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Umaasa naman si Bello na magbabago pa ang isip ng walong mga Pinoy sa Ukraine upang mailayo ang mga ito sa kapahamakan.