Hinangaan si Hokett Delos Santos isang pole vaulter na mula sa City of Ilagan, Isabela matapos matagumpay na matalon ang taas na limang metro.
Pinuri ito ni Filipino Pole Vaulter EJ Obiena ang kinatawan ng bansa sa Tokyo 2020 Olympic Games.
Aniya, tatlo lamang silang pole valter lamang sa Pilipinas ang nakatalon nang may taas na 5 meter at higit pa.
Kabilang rin dito si Ed Lasqueste at ngayo’y si Hokett Delos Santos.
Matatandaang ang Ama ni Ej Obiena na si Emerson Obiena ang nagsisilbing coach ngayon ni Delos Santos.
Ang standard record ng taas ba dapat matalon ng isang pole vaulter sa Southeast Asian (SEA) games ay 5 meter na siyang nagawa ni Delos Santos.