Ban sa single use plastic, isusulong ng DENR

Isinusulong ng Department of Environment and Natural Resources ang pagbabawal sa paggamit ng single use plastic.

Pero ayon kay bagong officer-in-charge Jim Sampulna, kinakailangan pa ang isang batas para tuluyan nang maipagbawal ang single-use plastic.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Ipinaliwanag ni Sampulna na nakasasama para sa kapaligiran ang paggamit ng single-use plastic.

Samantala, sa parehong pahayag ay nakiusap si Sampulna sa mga kandidato para sa 2022 elections na umiwas sa pagpapako ng campaign materials sa mga puno.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Nakiusap naman ang bagong DENR chief sa publiko na huwag iboto ang mga kandidato na sumisira sa kapaligiran.