Kapatid ng single o anak ng dating OFWs maari paring mag apply sa scholarship program ng owwa Bicol

Legazpi City – Ipinaliwanag ng Overseas Workers Welfare Administration Bicol na maari paring mag apply sa kanilang Education for Development Scholarship Program ang mga kapatid ng single o anak ng dating Overseas Filipino Workers.

Read More:  PDEA shuts down suspected drug den in Davao de Oro

Ayon kay Officer in Charge ng OWWA Bicol na si Jenivie Diaz Aguallo na maaari paring mag apply ang mga anak o kapatid ng dating OFW hangat active pa ang membership nito sa ahensya.

Dagdag pa rito na ang dati nang scholar ng programa ay hindi matatangal kahit na kakauwi o imuwi na ang OFWs na kamag anak nila.

Read More:  15-year-old admits killing mother found inside abandoned septic tank in Bohol

Samantala na extend ang pagpasa ng application para sa nasabing scholarship hangang February 27.