Open-pit mining sa So.Cot, malaking tulong sa national economic recovery – DENR Sec. Sampulna

KORONADAL CITY- “Mining is not evil. Hindi ito demonyo. Ang demonyo ay ‘yung pinipigilan natin ang mga tao kung paano umunlad”.

Ito ang inihayag ni Department of Environment and Natural Resources o DENR OIC Secretary Jim Sampulna sa isinagawang public hearing kaugnay sa isinusulong na pag-amend sa Environment Code ng South Cotabato at pag-lift sa open-pit mining ban.

Ayon kay Sampulna na malaki ang maitutulong ng open-pit mining sa ekonomiya ng South Cotabato at Pilipinas na labis na naapektuhan ng COVID 19 pandemic lalo na’t ang $ 5.9 billion Tampakan Project ng Sagittarius Mines Incorporated o SMI ang may pinakamalaking deposito ng copper at gold sa buong bansa.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Panahon na rin aniya upang tulungan ng mga mamamayan ang gobyerno sa pag-generate ng pondo sa pamamagitan ng pagsuporta sa responsible mining para sa sustainable development.

Binigyang diin ng opisyal na ang open-pit mining ang globally accepted method ng pagminina at pinaka-feasible para sa mga mababaw na deposits.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Pinasiguro din ng kalihim na responsableng pagmimina ang iiral sa lalawigan at magtatalaga ito ng team na siyang mag-momonitor sa open-pit mining operation.

Noong December 2021, tinanggal na ni dating Environment Secretary Roy Cimatu ang ban sa open-pit mining method na ipinatupad ni Gina Lopez noong 2017.