Negosyo Serbisyo sa Barangay ng DTI , inilunsad sa 12 barangay sa So.Cot


KORONADAL CITY- NAGLUNSAD ang Department of Trade and Industry o DTI South Cotabato ng dagdag na 12 mga bagong Livelihood Seeding Program – Negosyo Serbisyo sa Barangay (LSP-NSB) sa mga barangay ng Banga, Norala, at Surallah.


Ang LSP-NSB ay isang priority program ng DTI na may layuning madagdagan at mapalawak pa ang mga lugar na maaabot ng business development assistance lalo na sa mga far-flung barangays.

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession


Inihayag ni DTI South Cotabato provincial director Rictoniel Reginio na kasabay ng launching ng programa sa 12 mga barangay, magsasagawa din ang mga ito ng capacity building sa mga barangay personnel upang makapagbigay ng basic business advisory at information services sa mga micro, small and medium enterprises sa kanilang lugar.


Kabilang sa mga target beneficiaries nito ang mga sole proprietors, sectoral associations, mga nasa Local Communist Armed Conflict (LCAC) affected areas, at vulnerable communities katulad ng mga Indigenous Peoples o IPs.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing


Maliban sa business start-up at skills training na ibibigay ng DTI sa pamamagitan ng Negosyo Center, ang mga benepisyaryo ay makakatanggap din ng business starter kits.


Sa South Cotabato, 135 na mga barangay na ang nakabenepisyo sa LSP-NSB program.