Kris Aquino, nilinaw na walang cancer at ‘di diabetic

Kinumpirma ni Kris Aquino na magpupunta siya sa ibang bansa para magpagamot.

Kasabay nito, nilinaw ni Kris na wala siyang cancer at maayos din ang kaniyang blood sugar.

Read More:  John Arcilla calls for jail time for those behind dumping of 25 pet remains in Bulacan

Sa kaniyang Instagram account, nagbahagi si Kris ng video habang kinuhanan siya ng dugo para i-test.

Paliwanag nito, ang blood test ay para makita kung viable siya para sa treatment, at gusto umano niyang subukan bago magpunta ng abroad.

Read More:  Ate Gay’s family announces wake and funeral details

Bukod dito, kumonsulta umano si Kris sa isang allergy specialists, dahil ito umano ang kailangang unahin lalo’t may allergies siya at chronic urticaria.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay na-diagnose si Kris na mayroong autoimmune disease.