PNP chief Carlos pinabulaanang nakipagkita sa pamilya Ongpin sa Balesin, Island

Pinabulaanan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos ang alegasyong pumunta siya sa marangyang Balesin Island upang areglohin ang kaso ni Julian Ongpin.

Ginawa ni Carlos ang pahayag matapos aminin nitong nagbakasyon siya kasama ang pamilya niya sa Balesin Island nang mag-crash ang PNP chopper na susundo sana sa kanya noong Lunes.

Read More:  Sara Duterte’s lead over Robredo narrows to 7 points – OCTA

Nabatid na ang recreational destination ay pagmamay-ari ng pamilya ni Julian Ongpin na ini-uugnay sa pagpatay sa artist na si Bree Jonson.

Paliwanag naman ni Carlos walang basehan ang mga paratang laban sa kanya dahil unang-una ay na-dismiss na at nasa apela na umano ang kaso bago pa man siya maging PNP Chief.

Read More:  Apple to provide 170,000 MacBook Neo laptops to public schools nationwide

Binigyan-diin din ng hepe ng pambansang pulisya na ang NBI ang humahawak ng parallel investigation sa kaso.

Magugunitang nasawi ang isang pulis, habang sugatan naman ang dalawang iba pa matapos mag-crash ang H125 airbus na sana’y susundo sa PNP chief mula sa kanyang bakasyon.