Pekeng dentista arestado sa Narra, Palawan

Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI)-Palawan ang isang lalaki na nagpapanggap umanong dentista sa Narra, Palawan.

Ayon kay NBI Head Agent Norman Decampong Head , nagkasa sila ng operasyon ganap na alas-dos kahapon, February 22, 2022 sa klinika ng suspek na si Richard Munoz Cabrera matapos silang makatanggap ng tip na nagpapanggap siyang dentista at nagpapabayad sa kaniyang mga pasyente.

Read More:  Army soldier, wife killed after Bacolod family dispute

Nagpanggap na pasyente ang ilang tauhan ng NBI para makumpirma ang ulat na kanilang natanggap sa mga naging pasyente.

Sa loob mismo ng kaniyang klinika sa Narra Avenue Bgy. Poblacion nakita ang ilang mga kagamitan na kaniyang gamit sa tuwing may dental procedure gagawin.

Read More:  Tragic outing ends in heartbreak as 19-year-old drowns in Cebu sea; two friends survive

Walang naipakitang lisensya  ang suspek kaya agad itong naaresto ng NBI.

Hindi nakita sa Professional Regulatory Commission ang pangalan ng suspek.

Nasa kustodiya ng NBI-Palawan ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9484 o Philippine Dental Act of 2007 ang pekeng dentista.