Civil Registry Outlet, itatayo sa Koronadal City

KORONADAL CITY- PINOPROSESO na ng Philippine Statistics Authority (PSA) Region 12 ang pagbubukas ng Civil Registry System o CRS outlet sa Koronadal City.

Ayon kay Philippine Statistics Authority o PSA 12 regional director Atty. Maqtahar Manulon na ito ay ilalagay sa kanilang regional office sa lungsod.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Inihayag ng opisyal na kaunting panahon na lamang ang hihintayin ng mga mamamayan dahil may mga rekisitos at polisiya na lamang silang kailangang i-comply para sa establishment ng CRS outlet.

Oras na maisakatuparan, hindi na mahihirapan pa ang publiko sa pagpunta sa General Santos City upang kumuha ng civil registration documents katulad ng birth, death, at marriage certificate at certificate of no marriage o CENOMAR.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Inaasahan na ngayong taon, maitatayo na ang naturang pasilidad sa Koronadal.