Desilting ng Dupinga river sa Gabaldon Nueva Ecija, sinimulan na ng DPWH

Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways o DWPH Region 3 ang desilting sa Dupinga river sa Gabaldon, Nueva Ecija.

Ayon kay Nueva Ecija Area Equipment Engineer Edwin Lopez, target nilang makapag dredge ng tinatayang 15 thousand cubic meters ng sediments at silt materials kada buwan, para mas mapalalim at mapalawak pa ang Dupinga river.

Read More:  Nearly 89,000 evacuated in India as Cyclone Arnab approaches

Sa ngayon kasi kumonti ang tubig sa naturang ilog dahil sa landslides na dulot ng mga nagdaang bagyo.

Read More:  Meghan Markle’s father Thomas Markle, arrested over alleged child pornography possession

Samantala katuwang ng DPWH sa naturang proyekto ang Bureau of Equipment at suportado rin sila ng mga local government units na nakakasakop sa lugar.